Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

PAUNAWA SA PUBLIKO

Minamahal naming mga Tagapagtangkilik at Iskolar ng Bayan,

Ipinababatid namin na kasalukuyang sumasailalim sa isang mahalagang pagsasaayos at upgrade ang Aklatang Bayan Online Page.

Ano ang inaasahan sa Bagong AB Online Page?

Mas interaktibong experience at interface, na bawat tagapagtangkilik ng AB Online, ay maaari nang mag-iwan at magbigay ng rating at komento sa inyong pinakapaboritong aklat, pananaliksik, at iskolarling materyales. Makatutulong ito sa pagpapayaman ng diskurso sa kabuluhan at kahalagahan ng mga aklat sa Filipino sa iba't ibang disiplina.

Habang hindi pa ganap na nabubuksan ang AB Online page, maaari kaming makontak para sa kagyat na katanungan at pangangailangan sa pamamagitan ng aming email swf.updiliman@up.edu.ph

Abangan ang muling pagbubukas ng mas makabago at mas pinahusay na Aklatang Bayan Online Page sa lalong madaling panahon!

- Ang Pamunuan ng Aklatang Bayan, SWF-UPD