Sentro ng Wikang Filipino
UP Diliman
Ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF) ay isang institusyon sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman na isinilang matapos aprobahan ng Lupon ng mga Rehente ng UP ang Patakarang Pangwika noong 29 Mayo 1989. Itinataguyod ng SWF-UPD ang wikang Filipino bilang intelektuwalisadong wika ng pagtuturo, saliksik, publikasyon, malikhaing produksiyon, at opisyal na komunikasyon ayon sa tadhana ng Konstitusyong 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6 at 7.