Kinikilala ng Alamat ng Sepia ang tula bilang pananatili sa mga buwelo, na nakatago ma’y tiyak na nakalakip sa bawat kilos—gaya ng mga kubling hinga sa bawat bitaw ng salita. Dahil hindi mismo sa kilos (o kahit sa intensyon) naninirahan ang liriko kundi sa mga basa at di maaaninagang ugat nito, kapansin-pansin ang ligoy at minsang pag-aalangan kahit walang pagnanais na umuwi sa panlilito o pag-atras. Iniingatang aspirasyon ng mga saknong ang diwa ng bugtong. Ilang batayang responsibilidad at relasyon ang tumutulak sa pag-usbong ng mga linya: bilang anak, magulang, kaibigan, mamamayan, asawa, at iba pa (multo, guro, katunggali, alagad). Sinisikap pagyamanin ang paraan ng pagharap kapwa sa pang-araw-araw at hanggang-sa-magkamatayan sa pamamagitan ng pananaludtod. Sinisikap ding aliwin ang liriko mismo: kilitiin kung maaari, ibaon sa limot, at hukay-hukayin-namang-muli.
Alamat ng Sepia
-
Awtor:
Dennis Andrew S. Aguinaldo
- Taon: 2024
-
ISBN:
ISBN 978-971-635-111-8 (pbk)
ISBN 978-971-635-112-5 (PDF read only)
ISBN 978-971-635-113-2 (PDF downloadable)