Sa tulong ng mga konseptong pampook na pinaunlad nina Ramon Guillermo at Francisco Gealogo, dinadalumat ng pananaliksik na ito ang Bakwit School bilang daluyan ng paninindigan at himpilan ng mga puwersang nagsusulong ng karapatan ng mga Lumad. Namumutawi rin sa imahinasyon at tinig ng mga mag-aaral ang tinatawag ni Hamid Dabashi na “mapagpalayang heograpiya,” isang alternatibong pagmamapa ng daigdig na tumutuligsa sa heograpiyang ipinataw ng imperyo. Ipinapalagay ni Jose Monfred C. Sy na naisasakatuparan ito sa dalawang paraan: una, “dinadala” ng mga mag-aaral ang yutang kabilin sa Bakwit School; at ikalawa, nagsisilbing hugpungan ng iba’t ibang aktor ang pook ng Bakwit School para sa pakikibaka.
Mga Mapa-kuwento ng Bakwit School: Paglalakbay, pag-aaral, at pakikibaka ng Kabataang Lumad
-
Awtor:
Jose Monfred C. Sy
- Taon: 2024
-
ISBN:
ISBN 978-971-635-115-6 (pbk)
ISBN 978-971-116-3 (pdf)