981-8500 lokal 4583, 426-5838
Mayo 29, 1989 nang aprobahan ng Lupon ng Rehente ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang UP Patakarang Pangwika. Ambag ang patakarang ito sa pagsasabuhay ng mga probisyong pangwika sa Konstitusyon.
Itaguyod ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, saliksik, publikasyon, at opisyal na komunikasyon ayon sa tadhana ng Konstitusyong 1987.
Manguna sa implementasyon ng Patakarang Pangwika sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Isasagawa ang paglulunsad ng mga bagong publikasyon ng SWF-UPD sa Agosto 28, 2018, kabilang ang pinakabagong isyu ng Daluyan: Journal ng Wikang Filipino. Ilulunsad din ang bagong website ng SWF-UPD at ang proyektong e-bahagi na nagtatampok sa Aklatang Bayan Online, isang proyektong publikasyong digital na may libreng akses para sa lahat.
Ang Daluyan ay monolingguwal sa Filipino at may layuning paunlarin ang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa wika, panitikan at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso sa iba’t ibang disiplina sa wikang Filipino.
Ang Talasalitaan ay regular na talakayan na isinasagawa ng SWF na nagtatampok ng iba’t ibang paksa na may kaugnayan sa wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina upang higit pang maisulong ang Palisi sa Wika ng Unibersidad ng Pilipinas.Bukas ang paanyayang ito sa lahat ng mga guro at mag-aaral. Libre ang rehistrasyon.
Isa sa pangkalahatang programa ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF) sa UP Diliman ang pagtatampok sa Filipino bilang wikang panturo. Sa ilalim ng programang ito itinayo at binuo ang mga Komite sa Wika ng iba’t ibang kolehiyo sa UP Diliman.
swf@upd.edu.ph
981-8500 lokal 4583, 426-5838
924-4747
3/Palapag, Paaralan ng Pagpaplanong Urban at Rehiyonal (SURP) E. Jacinto Street, UP Diliman Lungsod Quezon 1101
Ang iyong mensahe ay matagumpay na naipadala. Salamat.