Manlilikha
Ang Manlilikha ay literary folio ng mga mag-aaral ng malikhaing pagsulat ng UP Departamento ng FIlipino at Panitikan ng Pilipinas. Ito ay isang publikasyon na inilalathala isang beses kada taon ng DFPP, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay monolingguwal sa Filipino; maaaring maglathala sa rehiyonal na wika sa Pilipinas ngunit may lakip na salin sa pambansang wika. Layunin ng publikasyon na ito na magsilbing dagdag na plataporma ng mga mag-aaral ng malikhaing pagsulat para sa publikasyon ng kanilang mga malikhaing akda.