“May mga tula naman na naghihikayat sa atin na balik-balikan ang mga linya upang bigyan ng iba’t ibang kahulugan at pag-unawa ang mga talinghaga. Isinasama tayo ni China sa kanyang mga “pagtatransisyon” — transisyon sa wika, transisyon sa paglalakbay, transisyon ng sarili, transisyong kinakailangang para sa pagbabago sa lipunan. Dagdag pa rito, hinihimok tayo na pag-isipan din ang sarili nating mga transisyon at ang nararapat na pagkilos upang makilahok sa mga pakikibaka sa lipunan.”
– Joi Barrios-Leblanc
Guro at Manunulat
“Tungkol ang Transisyon sa pag-uwi. Higit sa mga biyahe, bagahe’t pag-angkas sa mga alaala, paanyaya ang koleksiyong ito na kilalanin ng mambabasa ang akto ng pagkawala at pagbagtas pabalik. Ang mapagmuni ang sariling nag-eempake at gumuguhit ng mapa ng sariling pagkatao, inaasam na pagbabago, at mga pinipili.”
– Deane Camua
Guro at Manunulat