Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Glosari ng Agham Panlipunan at Pilosopiya

0 · 0 ratings
  • Editor:

    Mary Ann G. Bacolod
    Jesus Federico C. Hernandez
    Madilene B. Landicho

  • Taon:
    2026
  • ISBN:

    ISBN 978-971-635-138-5 (Softbound/Paperback)
    ISBN 978-971-635-140-8 PDF (downloadable)
    ISBN 978-971-635-139-2 PDF (read only)

Deskripsyon

Espesyalisadong sanggunian ang Glosari ng Agham Panlipunan at Pilosopiya na nakatuon sa paglalahad at pagpapakahulugan sa mga pangunahing konsepto at terminolohiyang ginagamit sa pagtuturo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya. Saklaw nito ang siyam na disiplina ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP): Agham Pampulitika, Antropolohiya, Demograpiya, Geografia, Kasaysayan, Linggwistiks, Pilosopiya, Sikolohiya, at Sosyolohiya. Kasama rin ang mga batayang kaisipan sa mga kursong General Education sa KAPP. Sa tulong ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD), sa pamamagitan ng Komite sa Wika ng KAPP, nabuo ang glosaring ito na naglalaman ng mga lahok hango sa mga teksbuk at iba pang batis ng kaalamang ginagamit sa pagtuturo, gayundin sa mga natutunan at karanasang nagmula sa pananaliksik sa iba’t ibang disiplina ng Agham Panlipunan at Pilosopiya. Higit sa pagiging gabay at sanggunian sa pag-aaral, pagtuturo, at pagsasaliksik, mahalagang ambag ang glosaring ito sa patuloy na intelektuwalisasyon at institusyonalisasyon ng wikang Filipino sa akademya at pananaliksik. Mahalaga itong kasangkapan sa pagtataguyod ng kritikal na diskurso at higit na pag-unawa sa mga teorya, konsepto, at kaisipang panlipunan sa pamamagitan ng paggamit at pagpapayaman ng ating sariling wika.

Glosari ng Agham Panlipunan at Pilosopiya


Rating sa Aklat ng Komunidad

0
0 ratings
5 bituin
0%
4 bituin
0%
3 bituin
0%
2 bituin
0%
1 bituin
0%

Gusto mo bang mag-rate o sumulat ng review para sa aklat na ito?

Mga Review ng Komunidad

Wala pang mga review para sa aklat na ito. Maging una sa pagsulat ng review!