Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

SWF-UPD at UPOU, Isinagawa ang Ikatlong Workshop para sa eTULAY-FILIPINO

Isinagawa ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD), sa tulong ng University of the Philippines Open University (UPOU), ang ikatlong Workshop on Course Site and Evaluation Tools noong 11-12 Setyembre 2023 sa The Sandbox, CCDL Building at TLH Conference ng UPOU Headquarters, Los Baňos, Laguna.

Pinangunahan ang workshop ni Katuwang na Propesor Ana Katrina T. Marcial, Kinatawan ng Faculty of Education (FED) at Tagapangulo ng Graduate Certificate and Master of Distance Education ng UPOU. Nakibahagi rito ang kasalukuyang Direktor ng SWF-UPD Dr. Jayson D. Petras, kasama ang mga Kawaksing Mananaliksik na sina Nalla E. Avena at Lari B. Sabangan.

Ang nasabing workshop ay bahagi ng proyektong eTULAY-FILIPINO para sa pagdevelop ng dalawang Massive Open Online Courses (MOOCs) na nakatuon sa paglinang ng kasanayan sa wika at pagsulat gamit ang wikang Filipino ng mga estudyante sa hay-iskul at kolehiyo. Target ang mga itong mabuksan sa Enero 2024 sa UPOU Massive Open Distance eLearning (MODeL).