Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Pabalita para sa Pasinatì : Batayang Kasanayan sa Pagsasalin

Matagumpay na naisagawa ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) ang ikaapat na Pasinatì: Pagsasanay sa Wika, Teorya, at Metodolohiya na nakatuon sa “Batayang Kaalaman sa Pagsasalin” noong 16 Setyembre 2023 sa pamamagitan ng Zoom. Nagsilbing tagapagsanay sina Kat. Prop. Schedar D. Jocson at Kat. Prop. Eilene Antoinette G. Narvaez mula sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Dinaluhan ang gawain ng mga guro, mananaliksik, kawani, at gradwadong mag-aaral sa loob at labas ng UP. 

Ang Pasinatì na ito ay bahagi ng pakikiisa ng SWF-UPD sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Pagsasalin ngayong 30 Setyembre 2023. Para sa mga hindi nakadalo, matutunghayan ang mga panayam sa SWF-UPD YouTube channel na https://www.youtube.com/@swfupd