Panawagan: Daluyan Refereed Journal ng Wikang Filipino
Daluyan Vol. XXXI, 2025
Huling petsa ng pagsumite: 30 Disyembre 2024
Tumatanggap ang Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman ng mga papel-pananaliksik para sa konsiderasyong mailathala sa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. XXXI, 2025. Simula sa taong 2025 ay maglalathala na ang Daluyan Journal isang beses sa isang taon.
Ang Daluyan ay isang interdisiplinaryong refereed journal sa wikang Filipino. Pangunahing layunin nito na paunlarin at palawakin ang mga pag-aaral tungkol sa wika, panitikan, at kulturang Filipino, at pagyamanin ang saliksik, kaalaman, at diskurso sa iba’t ibang disiplina gamit ang wikang pambansa.
Bukás ang tema para sa isyung ito.
Panuntunan sa Pagsusumite sa Daluyan
Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala o naisusumite para sa konsiderasyon ng ibang publikasyon o journal ang papel o pananaliksik, elektroniko man o limbag na anyo. Isaalang-alang ang sumusunod na kahingian para sa isusumiteng artikulo:
- Naka-encode o kompiyuterisado, doble espasyo, at gumagamit ng font na Times New Roman na may laking 12 puntos na binubuo ng 5,000-7,000 salita (15-20 pahina). Hindi kasama sa bilang ng salita ang sanggunian at apendise ng artikulo.
- Ang pamagat, abstrak, at limang susing salita ay parehong nasa Filipino at Ingles.
- Ang dokumentasyon ay nakaayon sa format na itinatakda ng MLA Seventh Edition.
- Maaaring lakipan ng biswal na materyal (may kulay o black and white) gaya ng orihinal na larawan, ilustrasyon, graph, matrix, mapa, at iba pa. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso sa anumang materyal na may karapatang-ari.
- Maglakip rin ng maikling tala sa sarili (Bionote) na naglalaman ng kasalukuyang akademikong posisyon, digri, kinabibilangang larang, espesyalisasyon, pinakabagong publikasyon, pananaliksik, at iba pang mahahalagang impormasyon.
- Ang artikulo ay hindi dapat naglalaman ng pangalan o anumang pagkakakilanlan gaya ng institusyon at kontak na numero sa halip ay sa pormularyo ang mga ito makikita lamang.
- Kailangang matiyak ng awtor na sumusunod sa Pahayag sa Etika at Paglabag sa Patakaran ng Publikasyon na mababasa sa SWF – UP Diliman website sa link na ito: https://sentrofilipino.upd.edu.ph/wp-content/uploads/2024/04/Pahayag-sa-Etika-at-Paglabag-sa-Patakaran-ng-Publikasyon.docx.pdf
- Daluyan Pormularyo ng Awtor (PDF): Apelyido_Pangalan_Pormularyo
Halimbawa: Sabangan_Lari_Pormularyo
- Bionote (docx): Apelyido_Pangalan_Bionote)
Halimbawa: Sabangan_Lari_Bionote
- Artikulo na nasa docx at PDF (Walang pagkakakilalan, naglalaman ng abstrak na nasa Filipino at Ingles)
Artikulo_Pamagat ng Artikulo (Kung mahaba ang pamagat ng artikulo ay ilagay lamang ang una hanggang ikatlong salita.
Halimbawa: Artikulo_Kontekstuwalisado at Lokalisadong Gabay
Paalala:
Makukuha ang pamantayan ng pagpasa, pormularyo ng awtor, flowchart at ang pagsumite ng entri sa google form sa link na ito:
https://drive.google.com/drive/folders/1njOg3QCa9wPNiwPJxxglrOXUwLogEEl8?usp=sharing
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay G. Lari Sabangan sa email ng Daluyan (daluyan.swf@upd.edu.ph ) o tumawag sa (+632) 8924-4747 o (+632) 8981-8500 lokal 4583. Maaari ding bumisita sa 3/P Sentro ng Wikang Filipino UP-Diliman, Gusali ng ISSI, Virata Hall, Kalye E. Jacinto, UP Diliman, Lungsod Quezon.