Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

KINIRÁY-A

Wikang ginagamit ang Kinaráy-a sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at ng ilang grupo sa lalawigan ng Palawan.  Kilala rin ito sa tawag Antiqueño, Hinaráy-a, Hamtikanon, at  Karáy-a. .

Naitala na ang terminong Kinaráy-a ay nagmula sa salitang ‘iraya’ na nangangahulugang ‘itaas’. Samantalang ang panlapi na ‘ka’ naman na nangangahulugang ‘kasama’ at ‘an’ na nangangahulugang ‘dumaan sa isang bagay’. Ayon sa Ethnologue, kabilang ito sa wikang Austronesian at na maituturing itong matatag na wikang ginagamit sa mga pamayanan at bilang wikang panturo sa edukasyon.

Noong 2013, idinagdag ng Department of Education (DepEd) ang Kinaray-a (Capiz, Alklan) bilang isa sa 19 lokal na wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo mula Kinder hanggang Grade 3 sa ilalim ng Mother-Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE). 

Itinuturing ng Komisyon sa Wikang Filipino na isa ang Kinaráy-a sa mga pangunahin at pinakamatatandang wika ng Pilipinas. Isa sa mga marka ng pagtangkilik at adbokasiya sa pagpapalakas ng wikang ito ang pagtatayo ng KWF ng monumentong Bantayog-Wika noong 2018 sa Evalio B. Javier (EBJ) Freedom Park sa San Jose de Buenavista, Antique. 

Taong 2025, kinilala ang wikang Kinaráy-a bilang opisyal na wika ng Antique.