Glosari sa Edukasyon

Kategorya: Sanyata
  • Marietta Reyes-Otero, Mercedes P. Adorio, Mabuhay A. Alonzo, Cleofi L. Chi, Lina B. Diaz de Rivera, Ligaya S. de Guzman, Lorna Lois L. de Vera, Mildred S. Ganaden, Fe Garcia, Teresita P. Ignacio, Anunciacion V. Lara, Editha M. Marcelo, Aniceta M. Ortinero, Felicitas E. Pado, Fe Sanchez, Robinson C. Soria, Evelina M. Vivencio, Emilia Zarco
  • P200.00 188 p.; 22 x 28 cm; c2002
  • (newsprint; softbound) ISBN 978-971-635-001-2
Binubuo ang glosaring ito ng mga terminong teknikal na karaniwang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng kanilang kadalubhasaan o displina sa UP Kolehiyo ng Edukasyon. Labingtatlong kurso ang pinanggalingan ng mahigit-kumulang 3,000 salita. Maraming proseso ang pinagdaanan ng pagbuo ng glosari tulad ng pagtukoy sa mga teknikal na termino; pagsasalin ng kahulugan ng bawat isa sa Filipino; pag-eestilo ng pagkakasalin. Tunay na bunga ito ng pagpupunyagi upang mapaunlad ang leksikon ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga modernong konsepto. Tanda ito na ang ating wika ay dinamiko at may kakayahang magamit sa anumang larangan ng ating buhay.