Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Pamunuan at Kawani

Pamunuan

Edgardo Carlo L. Vistan II, LLM

Tsanselor, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Dr. Jayson D. Petras

Direktor, Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman

Si Jayson D. Petras ay Kawaksing Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas Diliman at Affiliate Faculty ng Faculty of Education, UP Open University. Nagsilbi rin siyang Visiting Researcher-Professor sa Faculty of Liberal Arts, Mahidol University at sa Faculty of Liberal Arts, Thammasat University sa bansang Thailand. Nagtapos siya ng BA at MA Araling Pilipino (na may mga disiplina sa Panitikan at Sikolohiya) at PhD Filipino: Pagpaplanong Pangwika sa UP Diliman. Nakapaglathala na siya ng mga artikulo tungkol sa Araling Pilipino, Panitikan, Wika, at Sikolohiya sa iba’t ibang dyornal at nakapagbigay ng mga panayam sa loob at labas ng bansa.

Kawaning Administratibo

Ma. Evangeline O. Guevarra

Administrative Officer IV Pangkalahatang Tagapamahala ng Opisina

Si Vangie ay nagtapos ng kursong BA Political Science sa UP Diliman at kumuha ng ilang yunit ng Masteral sa UP National College of Public Administration and Governance (NCPAG). Siya ay kasalukuyang naglilingkod bilang Administratibong Opisyal (AO IV) ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UP Diliman). Siya ang punong-abala at namamahala sa pangkalahatang pang-araw-araw na operasyon ng mga pang-administratibong gawain sa opisina. Isang maybahay at may tatlong anak.

Odilon B. Badong, Jr.

Administrative Assistant V Katuwang na Administratibo

Si Odi ay kasalukuyang katuwang sa mga administratibong gawain at katuwang na namamamahala sa Publikasyon ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman. Nagsalin ng mga pormularyo ng mga opisina sa UP Diliman. Naging project assistant sa proyektong: Development of Inter-disciplinary Signal Processing for Pinoys (ISIP) Program: Filipino Vowels & Emotions (FIVE) at isa sa mga kontribyutor ng artikulong Tungo sa Estandardisasyon ng Wikang Filipino. Naging research staff ng OVCRD Outright Research Grant-Ph.D. Incentive Award. Naging dokyumentor ng internasyunal na kumperensiya sa Filipino. Naging sekretarya ng Presidential Assistant ng Pangulo ng Pilipinas.

Khimwel A. Santos

Administrative Assistant V Katuwang na Administratibo

Si Khim ang kasalukuyang Administrative Assistant. Natapos niya ang kursong BS Computer Technology sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), Sta. Mesa Maynila. Pangunahing tungkulin ang mga gawaing administrasyon ng opisina at namamahala sa Social Accounts (Facebook at Email) at Website ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman. 

Lorna C. Balingit

Publications Circulations Officer Tagapamahala ng mga Publikasyon

Si Lorna ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Management sa Philippine School of Business Administration. Tagapamahala ng mga publikasyon ng Sentro ng Wikang Filipino. Tagapangasiwa sa distribusyon, sirkulasyon at promosyon ng mga aklat at iba pang pampublikong materyales sa loob at labas ng Unibersidad. Tumatayo bilang Publication Circulation Officer at Billing Officer ng opisina.

Guian Christian G. Fidelson

Administrative Aide III Katuwang na Administratibo

Si Guian ang Administrative Aide. Katuwang sa mga administratibong gawain at sa encoding ng mga aklat na may kinalaman sa publikasyon. 

Marcopolo P. Pelaez

Administrative Aide III Mensahero

Si Marco ay ang kasalukuyang Administrative Aide III ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman, Lungsod Quezon. Gumaganap siya bilang mensahero. Nakatira sa Antipolo, Rizal at kinahihiligan niya ang musika sa pamamagitan ng pag-awit at pagtugtog ng gitara.

Mga Kawaning Pampananaliksik, Ekstensyon, at Propesyonal (REPS)

Katherine Tolentino-Jayme

University Extension Specialist II Pangkalahatang Tagapamahala ng mga Proyekto

Si Katherine ay isang mananaliksik at tagasalin. Nagtapos siya ng kursong BA Araling Pilipino (Philippine Studies) at MA Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas -Diliman. Nagawaran siya ng Thesis Grant mula sa Bise-Tsanselor para sa Saliksik at Pagpapaunlad ng Unibersidad ng Pilipinas -Diliman. Nakapagsulat siya ng “Komedya ng Pakil” sa Volume 4 Theater, Encyclopedia of Philippine Art (2nd edition) ng Cultural Center of the Philippines. Nagsilbing kawaksing patnugot ng AGOS, isang refereed journal ng malikhaing akdang pampanitikan. Siya ay interesado sa mga pananaliksik sa Philippine anthropology at culture studies.

Gemma Cabrera-Dalmacion

University Researcher I Tagapag-ugnay ng Proyekto

Si Gemma ay nagtapos ng kursong BS Social Work sa Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan (CSWCD), UP Diliman si Gemma Cabrera-Dalmacion. Gumaganap bilang  Mananaliksik ng Unibersidad at pangkalahatang tagapamahala ng taunang Buwan ng Wika. Siya rin ang Tagapangasiwa ng Komite sa Wika ng iba’t ibang kolehiyo sa unibersidad at nagsisilbing tagapag-ugnay sa mga kumperensiya at palihan ng SWF-UPD.

Elfrey Vera Cruz-Paterno

University Researcher I Tagapag-ugnay ng Proyekto

Si Faye ay isang ina, manunulat, mananaliksik, editor, creative producer, at gamer. Interes niya ang paglalakbay, pagnenegosyo, paggawa ng mga bidyo-dokumentaryo, paglalaro ng video games at pakikisangkot sa mga gawaing pangkomunidad. Kasalukuyan siyang Tagapamahalang Editor ng Proyektong Aklatang Bayan ng UP Sentro ng Wikang Filipino Diliman. Nagsilbi rin siyang Tagapamahalang Editor ng Daluyan: Journal ng Wikang Filipino at Kawaksing Editor ng AGOS: Refereed Journal ng Malikhaing Akdang Pampanitikan ng SWF-UPD. Kasapi siya ng KATAGA (Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc.) at Supling Sining Inc.

Larry Boy Briones Sabangan

University Research Associate I Tagapag-ugnay ng Proyekto

Si Lari Sabangan ay Kawaksing Mananaliksik ng Unibersidad (URA) sa Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman at ang Tagapamahalang Editor ng Daluyan at Agos Journal. Nagtapos ng MAEd Filipino sa West Visayas State University, Iloilo. Naging Fellow sa USTNWW, Palihang Rogelio Sicat, at Palihang Rene Villanueva para sa CNF, Maikling Kuwento at Kuwentong Pambata. Awtor ng tulang pambatang Kat Nagpamaeaybay Ro Panumduman it Unga. Nakapaglathala sa ANI: CCP Literary Journal, KWF, at iba pang mga antolohiya. Volunteer Language Translator sa UP Resilience Institute. Naging Finalist sa Ulirang Guro sa Filipino 2022 ng KWF. Nag-aaral ng PhD sa Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Isang anak, guro, mananaliksik, manunulat at lingkod bayan. May dalawang kaibigang itim na aso (Bela) at pusa (Niya) sa Kalibo, Aklan.

Allan Enoslay Avena

University Research Associate I Tagapag-ugnay ng Proyekto

Si Nalla ay Kawaksing Mananaliksik ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman. Siya ay Katuwang na Tagapamahalang Editor ng proyektong Aklatang Bayan at Tagapamuno ng mga proyektong may kaugnayan sa Gender and Development (GAD) ng opisina. Kasalukuyang graduwadong mag-aaral sa ilalim ng programang Master of Arts (Araling Pilipino) ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nagtapos ng kursong Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya major sa Filipino sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Interesado siya sa mga pananaliksik sa Panitikan ng Kababaihan at Malayang Kasarian, at Kritisismo at Produksiyon Pansining.