Ang programang Salinan ay mga gawaing may kaugnayan sa pagsusulong ng pagsasalin sa wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas, gaya ng palihan para sa mga tagasalin, guro at mananaliksik, paglalathala ng mga babasahin at gabay sa pagsasalin, at pagsasagawa ng mga hakbang tungo sa propesyonalisasyon ng pagsasalin sa Pilipinas.