


Ang programang Handog-Dunong ay pangunahing nakatuon sa pamamahagi ng mga publikasyon sa Aklatang Bayan ng SWF-UPD para sa mga silid-aklatan ng mga State Universities and Colleges (SUCs). Karaniwang nakakawing ang pagbibigay ng libro sa mga seminar o pagsasanay na isinasagawa ng SWF-UPD sa mga piling paaralan. Si Gng. Lorna C. Balingit, Tagapamahal ng Publikasyon, ang tumatayong Tagapamahla ng Proyekto at si G. Larry Boy B. Sabangan, Kawaksing Mananaliksik ng Unibersidad naman ang Katuwang na Tagapamahala.


