Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Panawagan ng Daluyan

Panawagan sa mga Papel: Daluyan Vol. XXXII, 2026

Korapsiyon at ang Maraming Mukha Nito

Huling petsa ng pagsumite: 31 Disyembre 2025

Cronyism, Swiss accounts, at bilyon-bilyong ill-gotten wealth, land scam, PEA-Amari Manila Bay land scam, Jueteng payola, Jose Pidal account, Fertilizer Fund scam, Hello Garci scandal, ZTE-NBN deal, PDAF scam, maling paggamit ng DAP, at isyu sa Yolanda funds, PhilHealth mafia,ghost employees, overpriced infrastructure projects, confidential funds, Maharlika wealth fund, at mga isyu sa importasyon ng pagkain at saka meron pa, nepo babies at mga proyektong multo.  Ilan lamang ito sa mga korapsiyong nangyari at nangyayari sa ating lipunan na maaaring maging paksa ng pananaliksik.

Panawagan  ito na mag-ambag sa isang espesyal na isyu/antolohiya na nakatuon sa isang napapanahong tema: korapsiyon. Hinahanap namin ang mga akdang sumasalamin sa maraming anyo ng korapsyon — politikal, panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura, espiritwal (iyong nakatutok sa di alam ang tama sa mali, walang kakayahan sa discernment), at maging personal ngunit kaugnay ng sistemikong karahasan ng korapsiyon.

Maaaring paksain ang mga sumusunod, mga kaugnay nito at lampas pa rito:

Social Media

             Konsepto ng korupsiyon

  • Media at sining bilang sandata laban sa katiwalian.
  • Paglaganap ng mga memes, reels at katulad laban sa korapsiyon
  • Papel ng Facebook, Twitter (X), at TikTok sa pagbubunyag ng mga anomalya (hal. overpriced projects, misuse of funds).
  • Pagsusuri kung paanong ang viral posts at hashtags (#PorkBarrelScam, #PhilHealthScam, #NasaanAngPera) ay nagiging mitsa ng pampublikong diskurso.

📰 Disimpormasyon at Manipulasyon

  • Troll farms at fake news bilang sandata para takpan o ilihis ang atensyon mula sa mga kaso ng katiwalian.
  • Ang papel ng social media sa pagpapalakas ng digital activism laban sa katiwalian (hal. “Million People March” na nagsimula sa online calls).
  • Ang ugnayan ng social media exposure at aktuwal na aksyon ng pamahalaan (hal. imbestigasyon, Senate hearings).

Pulitika at Pamamahala

  • Epekto ng political dynasty sa paglaganap ng korapsiyon sa lokal na pamahalaan.
  • Ang papel ng pork barrel at iba pang discretionary funds sa katiwalian.
  • Transparency at pananagutan: pagsusuri sa Freedom of Information (FOI) Law.
  • Katiwalian at eleksiyon: paano nagagamit ang pondo ng gobyerno sa pangangampanya?

Ekonomiya at Serbisyo Publiko

  • Korapsiyon at kahirapan: ugnayan ng katiwalian at hindi pantay na distribusyon ng yaman.
  • Epekto ng anomalya sa imprastruktura (e.g., flood control, ghost projects) sa ekonomiya.
  • Pag-aaral sa katiwalian sa sektor ng kalusugan (hal. PhilHealth anomalies).
  • Procurement system at overpricing: pagsusuri sa mga kaso ng maanomalyang pagbili ng gamit ng gobyerno.

📚 Edukasyon at Kamalayan

  • Pagtalakay ng kabataan sa isyu ng korapsiyon sa pamamagitan ng social media.
  • Pagsusuri sa epekto ng korapsiyon sa kalidad ng pampublikong edukasyon.
  • Papel ng kurikulum sa pagpapalaganap ng integridad at anti-korapsiyon na pagpapahalaga.

🌍 Sosyolohiya at Kultura

  • Paano ginagawang normal o “acceptable” ng kultura ng utang na loob at pakikisama ang korapsiyon?
  • Mga paniniwala at pananaw ng karaniwang mamamayan tungkol sa maliit na “lagay” (petty corruption).

⚖️ Batas at Hustisya

  • Ombudsman at Sandiganbayan sa paglaban sa katiwalian.
  • Pagsusuri sa mga batas kontra-korapsiyon (RA 3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act, etc.).

Panuntunan sa Pagsusumite sa Daluyan

Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala o naisusumite para sa konsiderasyon ng ibang publikasyon o journal ang papel o pananaliksik, elektroniko man o limbag na anyo. Isaalang-alang ang sumusunod na kahingian para sa isusumiteng artikulo:

  • Naka-encode o kompiyuterisado, doble espasyo, at gumagamit ng font na Times New Roman na may laking 12 puntos na binubuo ng 5,000-7,000 salita (15-20 pahina). Hindi kasama sa bilang ng salita ang sanggunian at apendise ng artikulo.
  • Ang pamagat, abstrak, at limang susing salita ay parehong nasa Filipino at Ingles.
  • Ang dokumentasyon ay nakaayon sa format na itinatakda ng MLA Seventh Edition.
  • Maaaring lakipan ng biswal na materyal (may kulay o black and white) gaya ng orihinal na larawan, ilustrasyon, graph, matrix, mapa, at iba pa. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso sa anumang materyal na may karapatang-ari.        
  • Maglakip rin ng maikling tala sa sarili (Bionote) na naglalaman ng kasalukuyang akademikong posisyon, digri, kinabibilangang larang, espesyalisasyon, pinakabagong publikasyon, pananaliksik, at iba pang mahahalagang impormasyon. 
  • Ang artikulo ay hindi dapat naglalaman ng pangalan o anumang pagkakakilanlan gaya ng institusyon at kontak na numero sa halip ay sa pormularyo ang mga ito makikita lamang.
  • Kailangang matiyak ng awtor na sumusunod sa Pahayag sa Etika at Paglabag sa Patakaran ng Publikasyon na mababasa sa SWF – UP Diliman website sa link na ito: https://sentrofilipino.upd.edu.ph/wp-content/uploads/2024/04/Pahayag-sa-Etika-at-Paglabag-sa-Patakaran-ng-Publikasyon.docx.pdf

Mga inaasahang isusumite:

  • Daluyan Pormularyo ng Awtor (PDF): Apelyido_Pangalan-Pormularyo

Halimbawa: Sabangan_Lari-Pormularyo

  • Bionote (docx): Apelyido_Pangalan-Bionote)

Halimbawa: Sabangan_Lari-Bionote

  • Artikulo na nasa docx at PDF (Walang pagkakakilalan, naglalaman ng abstrak na nasa Filipino at Ingles na may susing mga salita. Hindi kasama ang abstrak sa kabuoang bilang ng salita. Ang Pamagat ay may salin din sa Ingles.): Artikulo_Pamagat ng Artikulo

Halimbawa: Artikulo_Ang Wika at Agham

Paalala:

I-download ang pormularyo ng awtor sa ibaba. Ipasa ang lahok na papel sa email na ito: daluyan.swf.upd@up.edu.ph at ilagay sa subject line ang: Apelyido-Daluyan XXXII-2026

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay G. Lari Sabangan sa email ng Daluyan (daluyan.swf.upd@up.edu.ph) o tumawag sa (+632) 8924-4747 o (+632) 8981-8500 lokal 4583. Maaari ding bumisita sa 3/P Sentro ng Wikang Filipino UP-Diliman, Gusali ng ISSI, Virata Hall, Kalye E. Jacinto, UP Diliman, Lungsod Quezon.