
Si Larry Boy Briones Sabangan ay kasalukuyang Mananaliksik ng Unibersidad sa Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman. Nagtapos ng Master sa mga Sining sa Edukasyon sa Filipino sa West Visayas State University, Lungsod Iloilo. Naging Fellow sa UST National Writers’ Workshop, Palihang Rogelio Sicat, at Palihang Rene Villanueva. Awtor tulang pambatang Kat Nagpamaeaybay Ro Panumduman it Unga na may saling Nang Tumula ang Gunita ng Bata mula sa Kasingkasing Press. Nakapaglathala na ng akdang tula, Kuwentong Pambata, Dagli at Sanaysay sa ANI: CCP Literary Journal, Komisyon sa Wikang Filipino, Kasingkaisng Press, 7 Eyes Production at iba pang mga magazine at antolohiya. Naging Language Translator sa UP Resilience Institute. Naging Finalist sa Ulirang Guro sa Filipino 2022 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Kasalukuyang kumukuha ng Doktorado sa Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Naglunsad ng proyekto ng Magistoryahanay kita na isang community storytelling. Nakapaglahad na rin ng mga pag-aaral sa mga internasyunal na nga kumperensiya ukol sa wika at panitikan. Isang anak, guro, mananaliksik, manunulat at lingkod bayan na nagmamahal sa wika, kultura, panitikan, kabataan, at bayan.