
Nagtapos ng kursong BS Social Work sa Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan (CSWCD), UP Diliman si Gemma Cabrera-Dalmacion. Gumaganap bilang Mananaliksik ng Unibersidad at pangkalahatang tagapamahala ng taunang Buwan ng Wika. Siya rin ang Tagapangasiwa ng Komite sa Wika ng iba’t ibang kolehiyo sa unibersidad at nagsisilbing tagapag-ugnay sa mga kumperensiya at palihan ng SWF-UPD.