
Kasalukuyang katuwang sa mga administratibong gawain at katuwang na namamamahala sa Publikasyon ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman. Nagsalin ng mga pormularyo ng mga opisina sa UP Diliman. Naging project assistant sa proyektong: Development of Inter-disciplinary Signal Processing for Pinoys (ISIP) Program: Filipino Vowels & Emotions (FIVE) at isa sa mga kontribyutor ng artikulong Tungo sa Estandardisasyon ng Wikang Filipino. Naging research staff ng OVCRD Outright Research Grant-Ph.D. Incentive Award. Naging dokyumentor ng internasyunal na kumperensiya sa Filipino. Naging sekretarya ng Presidential Assistant ng Pangulo ng Pilipinas.