Ang Agos: Refereed Journal ng Malikhaing Akdang Pampanitikan ay isang journal na monolingguwal sa Filipino na nagtatampok sa mga malikhaing akda sa wikang Filipino at/o iba pang wika sa Pilipinas. Layunin nitong higit pang mapagyaman ang pagsusulat at paglalathala ng malikhaing akda sa sariling wika.
Layunin ng gawad na ito na mabigyan ng pagkilala ang pagsisikap ng bawat kontribyutor na maitampok ang kanilang malikhaing akda na nasusulat sa wikang Filipino at/o ibang wika sa Pilipinas. Gayundin, paraan ito upang hikayatin ang komunidad ng UP na magsulat sa wikang Filipino para sa konsiderasyon sa paglalathala sa Agos Journal.