AKLÁNON/ AKEANON
Ang Aklanon o Akeanon ay kilala rin sa tawag na Bisaya o Binisaya sa lugar ng Aklan. Ito ay isang wikang Austronesyano na sinasalita sa bahagi na lalawigan ng Aklan partikular sa isla ng Panay sa Pilipinas.
Mayroon itong 21 ponema na yunit ng tunog, may 17 katinig, at 6 na patinig. May ilan lugar sa Palawan na nagsasalita ng Aklanon tulad sa Bayan ng El Nido at ilang karatig na bayan nito, ang Narra, Quezon, Roxas, at Sofronio Española.
Sanggunian:
“Aklánon – KWF Repositoryo Ng Wika at Kultura Ng Pilipinas.” KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas, kwfwikaatkultura.ph/mga-wika/aklanon/, Inakses 28 Hunyo 2024.
BIKOL
Ang wikang Bikol ay ginagamit ng mga Bikolano sa Rehiyon ng Bikol, partikular sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon. Ito ang opisyal na wika ng buong rehiyon, ngunit may iba pang mga wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo dito.
Sa Camarines Norte, karaniwan ang paggamit ng Tagalog at Manide. Sa Camarines Sur naman, na karaniwan matatagpuan ang iba’t ibang grupong Agta, makikita ang paggamit ng Agta Isaróg, Agta Irigá, Agta Irayá, at Rinkonáda. Madali ring natututunan ng mga Bikolano ang Filipino at Ingles bilang mga wikang ginagamit sa pagtuturo sa mga paaralan.
May iba’t ibang varayti ng wikang Bikol tulad ng Bikol Catanduanes, na may impluwensya ng Bisaya, sinasalita ito sa mga bayan ng Panganiban, Viga, Bagamanoc, Pandan, Payo, at Caramoran sa Catanduanes. Tinatawag ang mga nagsasalita nito ayon sa kanilang pinagmulan, tulad ng Payonhón para sa mga taga-Payo at Panganibánon para sa mga taga-Panganiban. Ang Bikol Miraya naman ay sinasalita sa mga bayan ng Libon, Polangui, Oas, Ligao, Pio Duran, Jovellar Guinobatan, Camalig, at Daraga sa Albay; at sa Pilar at Donsol sa Sorsogon. May mga katutubong tawag din sa mga nagsasalita nito batay sa kanilang bayan, tulad ng Kamaligényo para sa mga taga-Camalig at Daragényo para sa mga taga-Daraga. Ang Bikol Sorsogon, na may impluwensiya ng Waray, ay sinasalita sa lalawigan ng Sorsogon. Tinatawag din ang mga nagsasalita nito ayon sa kanilang bayan tulad ng Gubatnón para sa mga taga-Gubat at Irosín-Bíkol para sa mga taga-Irosin.
Sanggunian:
“Bíkol – KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas.” KWF Repositoryo Ng Wika at Kultura Ng Pilipinas, https://kwfwikaatkultura.ph/mga-wika/bikol/, Inakses 11 Hulyo 2024.
Mintz, Malcolm W. “Introduction.” Bikol Dictionary, U of Hawai’i P, 1971, pp. 1-20. JSTOR, https://doi.org/10.2307/j.ctv9hvs8j.5, Inakses 11 July 2024.

HILIGAYNÓN
Ang wikang Hiligaynón, na tinatawag ding Ilonggo, ay isang wikang austranesyano na ginagamit sa Kanlurang Visayas partikular na sa lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental. Ginagamit din ang wikang ito sa Romblon, ilang bayan sa Mindoro, sa Mindanao partikular sa Korondal City, Maguindanao, Sultan Kudarat, Timog Cotabato, at sa ilang bahagi ng Hilagang Cotabato.
Sinasalita ito bilang pangalawang wika ng mga Karay-a sa Antique, mga Aklanon, Malaynon sa Aklan, at ng mga Capizonon sa Capiz. Katangi-tangi ito sa karamihan ng mga wika sa Pilipinas dahil sa sing-song intonation na katulad ng Italyano, partikular sa Bacolodnon na diyalekto.
Maituturing na nauugnay ito sa wikang Cebuano at Tagalog. Miyembro ito ng pamilya ng wikang Bisaya at miyembro din ito ng subfamily ng wikang Indones ng pamilya ng mga wikang austranesian. Katulad ng Cebuano at Tagalog, may malawak na ugnayan ito sa mga wikang sinasalita sa Indonesia, Formosa, Malaya, at mga Isla ng Pasipiko.
Tulad ng sa maraming iba pang wika sa Pilipinas, makikita ang impluwensiyang Espanyol sa maraming mga salitang hiram na isinama sa leksikon ng Hiligaynon.
Sanggunian:
Francisco, Jose. English-Hiligaynon / Hiligaynon-English Dictionary, 2008.
“Hiligaynón – KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas.” KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas, https://kwfwikaatkultura.ph/mga-wika/hiligaynon/, Inakses 20 June 2024.
Wolfenden, Elmer. A Description of Hiligaynon Syntax. Summer Institute of Linguistics, 1975.
Wolfenden, Elmer P. Hiligaynon Reference Grammar. Humanities Open Books program, a joint initiative of the National Endowment for the Humanities and the Andrew W. Mellon Foundation, 2019.
ILOKANO
Ang Ilokano ay isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas at pangatlong pinakamalaking wika sa bilang ng mga tagapagsalita. Ito ang lingua franca sa Hilagang Luzon at ang pangunahing wika sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, Pangasinan, at Cagayan. Ginagamit din ito sa buong rehiyon ng Lambak ng Cagayan at Cordillera Administrative Region bilang lingua franca.
Tinatawag ng mga Ilokano ang kanilang wika at grupo sa parehong pangalang “Ilokano,” bagaman ginagamit din ang mga terminong “Ilóko” o “Ilúku” sa labas ng kanilang komunidad. Ang Ilokano ang unang wikang natutuhan ng mga batang Ilokano, at karaniwan itong nananatili bilang kanilang pangunahing wika hanggang sa pagtanda kahit na matuto sila ng ibang wika tulad ng Filipino at Ingles, na karaniwang natututunan sa paaralan.
Sanggunian:
Apostol, F., and A. Malicdem. “Online Corpus of Spoken Ilokano Language.” IOP Conference Series. Materials Science and Engineering, vol. 482, Mar. 2019, p. 012034. https://doi.org/10.1088/1757-899x/482/1/012034, Inakses 11 Hulyo 2024.
“Ilokano – KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas.” KWF Repositoryo Ng Wika at Kultura Ng Pilipinas. https://kwfwikaatkultura.ph/mga-wika/ilokano/, Inakses 11 Hulyo 2024.Webster.
“Language of the Month April 2022: Ilocano.” The National Museum of Language, https://languagemuseum.org/language-of-the-month-april-2022-ilocano/, Inakes 11 Hulyo 2024.
ILOKANO
Ang Ilokano ay isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas at pangatlong pinakamalaking wika sa bilang ng mga tagapagsalita. Ito ang lingua franca sa Hilagang Luzon at ang pangunahing wika sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, Pangasinan, at Cagayan. Ginagamit din ito sa buong rehiyon ng Lambak ng Cagayan at Cordillera Administrative Region bilang lingua franca.
Tinatawag ng mga Ilokano ang kanilang wika at grupo sa parehong pangalang “Ilokano,” bagaman ginagamit din ang mga terminong “Ilóko” o “Ilúku” sa labas ng kanilang komunidad. Ang Ilokano ang unang wikang natutuhan ng mga batang Ilokano, at karaniwan itong nananatili bilang kanilang pangunahing wika hanggang sa pagtanda kahit na matuto sila ng ibang wika tulad ng Filipino at Ingles, na karaniwang natututunan sa paaralan.
Sanggunian:
Apostol, F., and A. Malicdem. “Online Corpus of Spoken Ilokano Language.” IOP Conference Series. Materials Science and Engineering, vol. 482, Mar. 2019, p. 012034. https://doi.org/10.1088/1757-899x/482/1/012034, Inakses 11 Hulyo 2024.
“Ilokano – KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas.” KWF Repositoryo Ng Wika at Kultura Ng Pilipinas. https://kwfwikaatkultura.ph/mga-wika/ilokano/, Inakses 11 Hulyo 2024.
Webster. “Language of the Month April 2022: Ilocano.” The National Museum of Language, https://languagemuseum.org/language-of-the-month-april-2022-ilocano/, Inakes 11 Hulyo 2024.
INÍ
Ang wikang Iní, na tinatawag ding Romblománon, ay wika ng mga Romblománon sa bayan ng Romblon, San Agustin, Magdiwang, San Fernando, at Cadidiocan sa lalawigan ng Romblon. Ginagamit din ito sa ilang bahagi ng Oriental Mindoro at sa bahaging hilaga ng Panay. Tinatawag din ang wikang ito na Tiyad Iní, Basi, Niromblon, o Sibuyanon.
Marunong din sa ibang wika ang mga Romblománon. Karaniwang nakakaintindi at nakapagsasalita ng Aklánon, Hiligaynón, at Tagálog ang mga Romblománon sa isla ng Sibuyan.
Itinuturing na isa ito sa mga masigla at ligtas na wika sa Pilipinas.
Sanggunian:
Grimes, Barbara F. Ethnologue: Languages of the World. 12th ed., Sumner Institute of Linguistics, Inc., 1992.
“Iní – KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas.” KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas, https://kwfwikaatkultura.ph/mga-wika/ini/, Inakses 20 Hunyo 2024.
KAMAYO
Ang Kamayo o Kinamayo ay isang minorya na wikang Austronesyano sa gitnang silangang baybayin ng Mindanao sa Pilipinas. Ang pangkating etniko ito ay madalas na matatagpuan sa Agusan del Norte at Surigao del Sur.
Ang Kamayo ay may kaugnayan sa lingguwistika ng Tausug at Butuanon, at pangunahing mga wika sa Pilipinas.
Sanggunian:
“Kamayo | Ethnic Groups of the Philippines.” Ethnic Group of the Philippines, www.ethnicgroupsphilippines.com/ethnic-groups-in-the-philippines/kamayo/, Inakses 28 Hunyo 2024.
“Peoples of the Philippines: Kamayo – National Commission for Culture and the Arts.” National Commission for Culture and the Arts, 12 Oct. 2018, ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/glimpses-peoples-of-the-philippines/kamayo/, Inakses 28 Hunyo 2024.
KAPAMPÁNGAN
Ang Kapampángan ay isang wikang austronesian na sinasalita sa Gitnang Luzon. Tinatawag din ang wikang ito na Pampánggo, Pampángan, at Pampanggényo. Pangunahing wika ito ng mga Kapampángan sa lalawigan ng Pampanga. Sinasalita rin ito sa malaking bahagi ng lalawigan ng Tarlac, at sa maliliit na bahagi ng Nueva Ecija, Bulacan, at Bataan.
Mayroon pa ring ilang pinakamatatandang miyembro o mga naninirahan sa malalayong barangay na Kapampángan ang nananatiling monolingguwal sa kanilang wika. Karamihan naman sa kasalukuyan ay multilinguwal at marunong sa wikang Tagálog, Filipíno, at Inglés.
May mga lokal na uri ng pananalita na maaaring maikonsiderang diyalekto ng wikang Kapampángan, bagaman wala pang malawak na pag-aaral sa mga pagkakaiba ng mga ito. Gayunpaman, malinaw na ang ilan sa mga pagkakaiba ng pananalita ay nakaayon batay sa heograpiya at sa pamamagitan ng intonasyon.
Sanggunian:
Forman, Michael L. Kapampangan Dictionary. Humanities Open Books program, a joint initiative of the National Endowment for the Humanities and the Andrew W. Mellon Foundation, 2019, Inakses 1 July 2024.
Forman, Michael L. Kapampangan Grammar Notes. Humanities Open Books program, a joint initiative of the National Endowment for the Humanities and the Andrew W. Mellon Foundation, 2019, Inakses 1 July 2024.
“Kapampángan – KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas.” KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas, https://kwfwikaatkultura.ph/mga-wika/kapampangan//, Inakses 20 June 2024.
SEBWÁNO
Ang Sebwáno ay isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Ito ay kinakagiwan tawagin na Bisaya o Binisaya, Sugbuanon, Cebuano/Sebuano at Sinugbuanong Binisaya. Madalas itong sinasalita sa Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, ilang bahagi ng Masbate, kanlurang bahagi ng Leyte, Agusan, Bukidnon, Davao, Lanao del Norte, Surigao del Norte, Misamis Oriental, Zamboanga del Sur, at sa iba pang bayan ng Cotabato.
Ang Sebwáno ang lingua franca at karaniwang sinasalita ng Gitnang Visayas, ang kanlurang bahagi ng Silangang Visayas, ilang kanlurang bahagi ng Palawan at karamihan sa mga bahagi ng Mindanao.
Sanggunian:
“Sebwano – KWF Repositoryo Ng Wika at Kultura ng Pilipinas.” KWF Repositoryo ng Wika at Kultura ng Pilipinas, kwfwikaatkultura.ph/mga-wika/sebwano/, Inakses 20 Hunyo 2024.
“Cebuano.” Ethnic Groups of the Philippines, www.ethnicgroupsphilippines.com/ethnic-groups-in-the-philippines/cebuano/, Inakses 28 Hunyo 2024.