Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Suri, Saliksik, Sanaysay: Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino

  • Awtor: 

    David Michael M. San Juan

  • Taon: 2020
  • ISBN: 

    ISBN 978-621-8196-38-4 (pbk)
    ISBN 978-621-8196-37-7 (pdf)

Koleksiyon ng mga nirebisang lektura, papel pangkumperensiya, artikulo, saliksik, at mga sanaysay sa nakaraang humigit-kumulang unang dekada ng pagtuturo, pananaliksik, at pakikisangkot-panlipunan ng may-akda ang aklat na ito… Higit sa lahat, ang aklat na ito’y bahagi ng adbokasing pangwika ng may-akda bilang isa sa mga convenor ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) na itinatag noong 2014 upang labanan ang tangka ng Commission on Higher Education (CHED) na paslangin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ang paglilimbag ay pagsasakapangyarihan, at ang lawak at saklaw ng koleksiyong ito’y bahagi lamang ng napakalawak pang erya ng disiplinang Filipino – na magpapatunay na ang Filipino’y isang disiplinang karapat-dapat lamang pag-aralan sa kolehiyo at lagpas pa.

Si DAVID MICHAEL M. SAN JUAN ay Pangulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Full Professor sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila (DLSU-Manila), at Affiliate ng DLSU Southeast Asia Research Center and Hub (DLSU SEARCH). Dating Vice Head ng National Committee on Language and Translation sa ilalim ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Isa sa mga lead convenor ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika). Itinanghal na “Mananaysay ng Taon(2009) “Makata ng Taon” (2010) ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil sa pagwawagi ng Unang Gantimpala sa Gawad Surian sa Sanaysay at sa Gawad Surian sa Tula-Talaang Ginto. Associate member ng Division I (Governmental, Educational and International Policies) ng National Research Council of the Philippines (NRCP). Isa rin siya sa mga may-akda ng antolohiyang “Rizal ng Bayan” (print: 2011; online: 2020), isang koleksyon ng mga sanaysay tungkol sa buhay at mga sinulat ni Jose Rizal. Mababasa sa dmmsanjuan.com ang iba pa niyang saliksik at lathalain.

Suri, Saliksik, Sanaysay: Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino