Ang Lagda: Journal ng U.P. Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay isang refereed journal na inilalathala dalawang beses kada taon ng DFPP, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay monolingguwal sa Filipino; maaaring maglathala sa rehiyonal na wika sa Pilipinas ngunit may lakip na salin sa pambansang wika. May layunin itong paunlarin ang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa wika, panitikan, malikhaing pagsulat, at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso sa iba’t ibang disiplina gamit ang wikang Filipino at ibang wika sa Pilipinas.
Para sa isyung Malikhaing Pagsulat, nagsilbing mga editor sina Elyrah Salanga-Torralba, Jimmuel Naval at Rommel Rodriguez.