Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Si Alice sa Daigdig ng Hiwaga

  • Awtor: 

    Aurora E. Batnag

  • Taon: 2020
  • ISBN: 

    ISBN 978-971-635-076-0

Nagtatagpo ang lohika, matematika, sining, at pilosopiya sa klasikong nobelang Ingles na Alice in Wonderland ni Lewis Carroll. Sa bisa ng makabagong parabula at paradoha, at sa puso at pusod ng tinig-kamalayan ng batang persona, mabisang natutunghayan ang iba’t ibang danas at pagpapakaranasan sa buhay – mula sa iba’t ibang digri ng dahas hanggang sa iba’t ibang antas ng paglaban at paglaya. Napapanahon pa rin ang nobelang ito, lalo’t higit sa konteksto ng kasalukuyang mga krisis ng bansa at mundo. Higit na naiangkop sa mambabasa ng Pilipinas ang nobelang ito dahil sa malimi, malikhain, masigasig, at mapanuring pagsasa-Filipino ng dangal ng wikang si Dr. Aurora E. Batnag.

Si Dr. Aurora E. Batnag ay nagretirong Direktor III sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Nagtamo ng mga gantimpala sa pagsulat ng maikling kwentong pambata at maraming nalathalang pampanitikang salin. Konsultant ng Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), miyembro ng Executive Committee ng Komite sa Wika at Salin ng NCCA, dating pangulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), at dating miyembro ng Lupon ng mga Konsultant sa Filipino sa De La Salle University – Manila. Ginawaran siya ng Dangal ng Wika 2020 ng KWF.

Si Alice sa Daigdig ng Hiwaga