Ang salitang “sahaya” ay taal na salita ng mga katutubong Badjao na nangangahulugang “liwanag” at “pag-asa.” Sa ganitong pagtingin nakasandig ang antolohiya, na produkto ng Sahaya: Timpalak Pampanitikan (STP) 2021 ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman. Binubuo ito ng mga malikhaing akdang pumapaksa sa halaga at praktika ng wikang Filipino at iba pang wika sa Pilipinas, karanasan ng mamamayan sa pagharap at paglaban sa pandemya at pasismo, at pagkilos para sa panlipunang transpormasyon o pagbabanyuhay.
Sahaya: Mga Tula at Dagli mula sa Sahaya: Timpalak Pampanitikan (STP) 2021
-
Awtor:
John Christopher Lubag, Katherine Jayme, Michael Balili, Michael Andrada