Ang Palihang Rogelio Sicat Unang Antolohiya ay nagtatampok ng isang daan at labingwalong malikhaing akda ng mga tula, dula, sanaysay, maikling kuwento, at dagli ng limampung awtor mula sa mahigit dalawang daang naging kalagok ng Palihang Rogelio Sicat.
Inaasahang una pa lamang ito at makapagpapalabas pa ng ilang pang antolohiya na siyang sasalamin sa bagong henerasyon ng mga manunulat; na kahit ngayon pa lamang, ang ilan sa kanila ay may makabuluhan nang ambag sa pagyabong ng Panitikang Pilipino.