Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Kritikang Rehiyonal: Diskurso ng Lahi, Uri, at Kasarian sa mga Akda mula sa Rehiyon

  • Awtor: 

    John E. Barrios

  • Taon: 2020
  • ISBN: 

    ISBN 978-621-8196-09-4

“Regionalize the Philippines! Tila ito ang rallying call ng mga panunuri ni John Barrios sa Kritikang Rehiyonal, o kung paano ang rehiyonal na panitikan ay informatibo, interogatibo, reiteratibo at kritika ng sentro, pambansa at global na panitikan at posisyonalidad. Dahil sa historikal at panlipunang pagkaetsapwera sa rehiyonal na panitikan, modernidad at pagkatao, tanglay din ng mga ito ang subersibong potensyal sa mas demokratiko, makatarungan at etikal na pagsasabansa at pagkamamamayan. Ang Kritikang Rehiyonal ay ang pinakabagong ani ng pag-aakda sa panitikang rehiyonal—mas politikal at etikal kaysa sa mga nauna sa kanya.” – ROLAND B. TOLENTINO, PROFESSOR, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES FILM INSTITUTE & DIRECTOR, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES INSTITUTE
OF CREATIVE WRITING

Si JOHN E. BARRIOS ay nagtapos ng kanyang Ph.D. Filipino-Panitikan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nagtuturo sa Kolehiyo ng Sining at Agham, Unibersidad ng Pilipinas Visayas – Iloilo, siya ay ginawaran ng Chancellor’s Award for Outstanding Performance in Creative Works dahil sa kanyang “pagtatanghal ng mga ideyang makakapagrepresenta ng identidad at komunidad ng Kanlurang Bisayas.”

 

Kritikang Rehiyonal: Diskurso ng Lahi, Uri, at Kasarian sa mga Akda mula sa Rehiyon