Ang aklat ay isang pagsasalin ng mga katutubong kuwento ng mga Bukidnon sa sitio Cabagtasan, Barangay Codcod, Lungsod ng San Carlos, Negros Occidental kung saan naninirahan ang mga humigit-kumulang sa tatlong daang mga Bukidnon.
Si LEONISA A. IMPIL ay isang Assistant Professor II ng Carlos Hilado Memorial State College, Lungsod Talisay, Negros Occidental. Nagtapos ng Master sa Arte (Filipino–Pagsasalin) at kasalukuyang nagpapakadalubhasa ng Doktorado sa Pilosopiya (Filipino–Pagsasalin) sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.