May dalawang mahalagang handog and Ganito sa Pabrika ni John Romeo Venturero. Una, karagdagang tinig ito sa panulaan na nakasentro sa karanasan ng mga bata. Ikalawa, ang matapat nitong pagpapakita sa mundong kinakaharap ng lahat, bata man o matanda, na nagpapayaman sa pagdama sa ating kalagayan.
Masisipat ng mga bata nag buhay ng mga manggagawa bilang magulang, kapitbahay, o estranghero. Inilarawan mang hikahos nag-uumapaw sap ag-ibig at pananalig sa magandang bukas ang kanila mga buhay. Hindi ikinubli and pakikipagsapalaran ng nasabing sector na inilahad sa mulat at nakasisimpatyang persona ng bata. Sa aklat na ito, naihahain ang bagong depinisyon at potensiya na tulang pambata sa Pilipinas.