Mahalagang reperensiya ng mga mananaliksik at mag-aaral ang aklat na ito na naglalaman ng anotasyon ng mga tesis at disertasyong nakasulat sa wikang Filipino na tinipon mula sa UP Main Library. Matingkad din na patunay ang tinipong mga anotasyon na noon pa man, masigla na ang paggamit sa wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik sa iba’t ibang disiplina at akademikong larang sa UP. Gayundin, maaari ring magsilbing gabay ang anotasyon upang maimapa ang mga batayang konsepto at nalikhang balangkas ng mga mag-aaral sa antas masteral at doktorado sa pagsulat ng kanilang mga pag-aaral at malikhaing akda. Hindi pa, maaaring makapaghalaw ng mga idea ang mga mag-aaral, mananaliksik at manunulat na malay sa halaga at ambag ng wikang Filipino sa patuloy na pag-usbong ng mga kaalamang iniluluwal ng Unibersidad ng Pilipinas.
Anotasyon ng mga Tesis at Disertasyon sa Filipino
-
Awtor:
Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
- Taon: 2018
-
ISBN:
ISBN 978-621-8196-31-5