Kinikilalang isa sa pinakamahusay na kwentista ng ika-20 siglo si Ernest Hemmingway (1899-1961). Kabilang ang pamosong The Old Man and the Sea (1952) sa kaniyang mga akda na pumapaksa sa lakas at dangal ng tao.
Ang iginigalang na makata at musikerong Jesus Manuel Santiago ang nagsa-Filipino sa bersiyong itinituring na gumagagap sa diwa at tekstura ng orihinal. Malaking pakinabang ang Ang Matanda at ang Dagat sa mag-aaral ng literaturang pandaigdig na mababasa ngayon sa sariling wika.
Si Jesus Manuel Santiago, o Jess Santiago, o Koyang Jess ay isang makata, mang-aawit, kompositor, tagasalin, kolumnista, book designer, at manggagawang pangkultura. Hinirang siya bilang “Makata ng Taon” noong 1978 at 1979 ng dating Surian ng Wikang Pambansa. Ilan sa kaniyang mga aklat ay ang koleksyon ng mga tula, ang Gitara: Mga Tula 1975-1985, at ang katipunan ng mga kolumberso, ang Usapang Kanto. Isinalin niya sa Filipino, at kinikilalang pinakamatapat na bersiyon sa Filipino–at may natatanging orihinalidad sa tinubuang wika–ang nobelang The Old Man and the Sea ni Ernest Hemingway.