Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Pira-Pirasong Pilas: Mga Tula

  • Awtor: 

    Liberty A. Notarte-Balanquit

  • Taon: 2019
  • ISBN: 

    ISBN 978-621-8196-00-1

“Walang eksaktong agham ang pagtula. Ngunit maaaring maging matalino ang isang makata at ang pagtula. Sa henerasyong milenyal at instant-poetry, narito ang isang tinig na nagpapakita na ang pagtula ay hindi lang isang kakayahang maaaring maaral gamit ang wika, imahen, at mga pandama…Madalas kilala ang babaeng makata na gumagamit ng emosyon o testimonya bilang isang feministang kontribyusyon sa pagtula o pag-aakda. Ngunit ang mga tula ni Liberty ay pagpapatunay na ang babaeng makata ay di iba sa ibang uri ng kilalang makata at malikhaing manunulat, hindi lang isa ang kakayahan at kagandahang kayang ipamalas. Gaya ng isang curious na manlilikha, may iba’t ibang sinulid, burda, at pinanggagalingang panunulsi ang koleksyon na kapag hindi naging maingat at matalino ang makata ay lalabas bilang isang dispalinghadong komposiyon o hari-hariking kasuotan.”

– REAGAN ROMERO MAIQUEZ

Si LIBERTY A. NOTARTE-BALANQUIT ay isang guro sa Departamento ng Humanidades, UPLB. Naging Fellow siya ng Palihang Rogelio Sicat 5 noong 2012. Nagwagi siya ng Ikalawang Gantimpala (Tula) sa Kauna-unahang Gawad Rogelio Sicat noong 2016. Madalas niyang isinusulat ang kanyang mga pangamba–sa kaniyang pagiging ina at asawa–at ang kanyang mga panaginip, mga alaala sa kinalakhang bayan ng Las Navas, Northern Samar.

Pira-Pirasong Pilas: Mga Tula