“Sa koleksiyong ito, sinikap na tipunin ang mga alaalang iyon, sa kaparangan ng panitik at sining. Metaporikal na pagtaya ang kaparangang iyon sa mga espasyong winawala o binabalewala ngunit nariyan, kaya kailangang igiit at muling itindig.”“Sa koleksiyong ito, sinikap na tipunin ang mga alaalang iyon, sa kaparangan ng panitik at sining. Metaporikal na pagtaya ang kaparangang iyon sa mga espasyong winawala o binabalewala ngunit nariyan, kaya kailangang igiit at muling itindig.” – MULA SA “KAPARANGAN NG MGA ALAALA”
Ang Lunduyan ng mga Bulakenyong Artista’t Manunulat (LAMBAT) ay samahang naitatag noong 2015 sa pangunguna ng mga guro sa panitikan at malikhaing pagsulat at ng noo’y mga estudyante ng BA Malikhaing Pagsulat ng Bulacan State University.
Ang Lunduyan: Kaparangan ng mga Alaala ang ikatlong antolohiya ng mga akda at likhang-sining ng samahan. Unang inilunsad ang Katiting noong 2015, sinundan ng Nasa Puso/d ng Balangay Books noong 2018.