Pop Lab
VLADIMEIR B. GONZALES
Tinitipon sa proyektong ito ang tatlong dulang kinomisyon upang maitanghal sa mga klaseng panlaboratoryo. Ito ang mga akademikong kahingiian kung saan isa sa mga intensyon ng produksyon ay maipakita at mailapat ang mga natutuhan ng isang mag-aaral sa loob ng ilang buwan ng pag-aaral (kung ito ay kahingian para sa isang kursong kinukuha sa isang semestre) o sa loob ng ilang taon (kung ito ay kulminasyon ng kanilang akademikong programa). Sa maraming pagkakataon, ang tagasalin ay hindi lamang naglilipat ng wika at kultura kundi nakikipagnegosasyon din sa mga aralin at pananaw na maaaring matutuhan ng mag-aaral na nagtatanghal, at maging ng mga magiging tagapanoon ng kinomisyong proyekto. Sa kaso ng tatlong dula, matingkad na sangkap ang pagtampok sa Filipino, kulturang popular, at pagpapatawa.” Mula sa Introduksyon ni Vladimeir B. Gonzales – MULA SA INTRODUKSIYON NI VLADIMEIR B. GONZALES
Si VLAD GONZALES ay Associate Professor sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan siya nagtuturo ng malikhaing pagsulat, panitikan at kulturang popular. Naging fellow siya para sa mga pambansang palihan (UP noong 2002 at 2009, Iyas noong 2005, Iligan noong 2005), at kasalukuyang writing fellow sa UP Institute of Creative Writing. Itinanghal ang orihinal niyang dulang Si Nelson, ang Nanay, ang Pancit Canton para sa Short and Sweet Manila Festival (2015), ang We Choose to Go to the Moon para sa Fringe Manila International Arts Festival (2016), at ang Arkanghel sa Maccrotel bilang bahagi ng paglulunsad ng Nomina Nuda Gallery (2018). Makikita ang kanyang mga sulatin at larawan sa kanyang Website na vladgonzales.net.