Wala akong ibang paraan kundi ang sumandig
sa himala ng agimat at pananalig.
Lumuhod ako at ngumanga ang sugat
sa magkabila kong tuhod;
ikinampay ko ang aking mga bisig,
ngunit sa halip na umangat, bumuka mula sa aking kilikili
ang isang gulanit na payong, nakikiusap:
agawin mo ako sa kalawang, haplusan ng langis
ang hukot kong tagdan at bali-baling mga tadyang,
suubin mo ako ng sinunog na palaspas
at ilibing sa puno ng tarangkahan.”
– MULA SA “BASAG NA BUBOG SA BIBIG”
Nagtuturo ng wika at panitikan sa UP Los Baños si EMMANUEL V. DUMLAO. Nagtapos siya ng doktorado sa Filipino: Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Humahabi ng talinghaga kapiling ang mga diwata at busaw sa paanan ng bundok Makiling.