Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Hingil sa Halaga

  • Awtor: 

    Ma. Cecilia C. de la Rosa

  • Taon: 2024
  • ISBN: 

    ISBN 978-971-635-108-8 (pbk);
    ISBN 978-971-635-109-5 (pdf read only);
    ISBN 978-971-635-110-1 (pdf downloadable)

Ang Hinggil sa Halaga ay aklat na naglalaman ng limampu’t isang tula (sa orihinal ay 50 lamang pero idinagdag ng awtor ang isa pang tula na alay sa kaibigang namayapa noong 2020.) Nasulat sa loob ng halos isang dekada ang 50 sa mga tulang ito (2011-2020.) Ang ilan sa mga ito ay nalathala na sa antolohiyang Kataga I at II, sa Agos, at sa ilang zine.

Iba-iba ang tema ng mga tula, ngunit naka-ayos ayon sa pagkakalapit ng mga tema na maaaring pulitikal, personal at/o pareho. Ang mga ito ay simpleng obserbasyon sa buhay, mga sariling karanasan, at karanasan ng ibang tao na pinakialaman tulaan.

Ilan sa pinakamalapit kay Ma. Cecilia C. de la Rosa ang tula tungkol sa kaniyang kabataan na matatagpuan sa dulo ng koleksyon.

Hingil sa Halaga