Matutunghayan sa aklat ang pinakamabubuting tula na sadyang nilikha para sa mga bata. May iba’t ibang anyo at uri ito: may panalangin, may oyayi, may tulang naratibo, may lirikal, at may tulang nagsisikap na suriin ang lipunan sa paraang maiintindihan ng mga bata. Naipamalas ng aklat na ito ang kakaibang uri ng bayanihan. Sa gitna ng kawalang-katiyakan ng pandemya at kuwarentena, nagkapitbisig ang mga guro, manunulat, at ilustrador na makapag-alay ng mainam na aklat para sa mga bata.
Pamimintana sa Pag-asa
-
Editor:
Eugene Y. Evasco
John Ronnel G. Popa - Taon: 2024
-
ISBN:
ISBN 978-971-635-121-7 (pbk)
ISBN 978-971-635-122-4 (pdf read only)
ISBN 978-971-635-123-1 (pdf downloadable)