Sino ang unang nagpanukala na ipagsama ang pinakamagandang katangian ng lungsod at kabukiran sa isang komunidad na punô ng hardin? Anong mahalagang seremonya ang sinusundan ng mga Romano sa pagtatag ng kanilang mga pamayanan? Ano nga ba ang Tragedy of the Commons? Paano basahin ang lupa at tubig? Ang sagot sa mga tanong na iyon ay matutuklasan sa mga pahinang ito, akdang nagkalap ng mga batayang babasahin sa larangan ng pagpaplano, pag-aaral ng kapaligiran, at iba pang mga napaka-interesanteng ideya tungkol sa pagtatayo at pagpapaganda ng pamayanang pantao. Kasama rito ang mga dalumat ng mga sikat na urbanista tulad nina Jane Jacobs, Lewis Mumford, at Kevin Lynch, mga sikat na naturalista tulad nina Aldo Leopold, Rachel Carson, at John Muir, at pati na rin iilang hango mula sa mas magagaan at malikhaing akda nina Mark Twain at James Hilton.
Isinalin ni Dr. José Edgardo Abaya Gomez Jr. mula sa Ingles at iba pang wika ang koleksiyon ng mga siping ito, hindi lang para sa mga akademiko at estudyanteng nagaaral ng pagkumpone ng isang lungsod, bagkus para sa karaniwang mamamayan na nais pumasok sa mundo ng mga nagpaplano ng espasyo, at makisali sa mga usaping urbanismo.