Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Pagtatahip-Dunong: Mga Awit ng Kilusang Bayan sa Pilipinas (1986-2018)

  • Awtor: 

    Joel C. Malabanan

  • Taon: 2022

Pagtatahip-Dunong:
Mga Awit ng Kilusang Bayan sa Pilipinas (1986-2018)

Ang librong ito ay nagtangkang tugunan ang sumusunod: Paano nagbago at umunlad ang mga awit ng kilusang bayan mula 1986 hanggang 2018? Paano magagamit ang mga ito sa pagtuturo? Ano-ano ang mga awit na nalikha noong 1986-2018 na itinatanghal ng mga kilusang bayan sa Kalakhang Maynila magmula 1986 hanggang 2018? Paano sinasalamin ng mga awit ang kalagayan ng lipunan at paano nagkabisa ang mga ito sa pakikibaka ng mga kilusang bayan? Paano magagamit ang mga musikang makabayan sa pagtatahip-dunong upang higit na mapahalagahan ang pag-aaral ng wika at panitikan (sa elementarya at hayskul) at labanan ang paglaganap ng kaisipang kolonyal sa kabataan sa kasalukuyan?

Si Joel Costa Malabanan ay isang makata at musikerong guro. Kasalukuyan siyang isang full-time propesor ng Filipino sa Fakulti ng mga Sining at Wika sa Philippine Normal University. Nagtapos siya ng kolehiyo sa Cavite State University sa kursong Bachelor of Science in Agriculture, Major in Agricultural Economics at nakumpleto naman niya ang digring Master sa Sining sa Wika at Panitikan sa Filipino sa De La Salle University, Taft Avenue. Sa University of the Philippines, Diliman naman niya tinapos ang kanyang Ph.D sa kursong Philippine Studies.
Nakapagturo siya ng Araling Panlipunan sa Divine Light Academy (1992-1997) sa Las Pinas City, Manila at naging Subject Area Coordinator ng Araling Panlipunan at Filipino sa Saint Vincent de Paul College (1999-2008) sa Bacoor, Cavite. Naging guro rin siya ng Filipino sa Elizabeth Seton School (1997-1999) sa Las Pinas City, Manila at sa University of Perpetual Help System Dalta (2008-2012) sa Molino, Bacoor. Naging Filipino instructor din siya sa De La Salle University, Dasmarinas, Cavite noong 2007.

Pagtatahip-Dunong: Mga Awit ng Kilusang Bayan sa Pilipinas (1986-2018)