Ang Balaraw: Mga Tula at Dagli sa Panahon ng Pandemya at Pasismo ay kalipunan ng mga malikhaing akdang pampanitikan na layong idiin ang halaga at praktika ng wikang Filipino at iba pang wika sa Pilipinas bilang sandata ng pagbalikwas ng mamamayan tungo sa pagtataguyod ng sama-samang pagkilos at pagtindig laban sa patuloy na pag-iral ng opresyon, sistematikong karahasan, politikal, at pang-ekonomiyang krisis sa gitna ng pasismo at pandemya.
Itinatampok sa antolohiyang ito ang mga akda nina Tresia Siplante Traqueña, Ronnel V. Talusan, Renz Rosario, Paolo Manalo, May M. Dolis, Kris Berse, Katherine T. Jayme, Juan Ekis, Joshua Mari Lumbera, Faye Cura, Christine Marie L. Magpile, Beverly W. Siy, Von Mark Viñas, Stefani J Alvarez, Roma Estrada, Mark Angeles, at Ansherina May D. Jazul.