Iilan lamang ang aklat na ito sa Pilipinas na nagbigay-pansin sa Track and Field at nutrisyong pang-isport bilang paksang-aralin. Layunin ng aklat na ito na malaman ang gawain at kaalamang pang-nutrisyong isport ng mga coach, atleta, at tagapagsanay. Magagamit ito bilang batayan sa edukasyong pangkalusugan ng mga coach, tagapagsanay, at tagapamahala sa larangan ng Track and Field upang makabuo at magkaroon ng mahuhusay na programa sa nutrisyong pang-isport.
Si AIRNEL T. ABARRA ay isang guro, coach, at mananalisik sa larangan ng Agham Pang-isports at Pagsasanay. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng digri na Doktorado sa University of Physical Education sa Budapest, Hungary. Bago ang kaniyang pag-aaral, hinirang siya bilang Grade School Sport Officer sa Ateneo de Davao University at nagsilbing coach ng Track and Field Team ng Ateneo de Davao University. Isa sa kaniyang proyekto ay ang Mindanao Blue Knights Track League sa Lungsod ng Davao na kung saan siya ay nag-oorganisa ng mga palaro at gawaing pang-edukasyon para sa mga manlalaro at tagapagsanay sa Athletics (Track and Field).