Tampok sa aklat na ito ang karanasan ng mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita sa paglulunsad ng bungkalan at pagsasapraktika ng organiko at likas-kayang pagsasaka.
Aklat din ito sa kasaysayan ng Hacienda Luisita–isang silip sa marahas na tunggalian sa pagitan ng uring magsasaka at uring panginoong maglupa. Salaysay ito ng sambayanang patuloy na nakikibaka upang ipunla ang isang bukas na malaya!