Bilang pag-alinsunod sa Patakarang Pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas (1989), lalo na sa mga tadhana 2.2 at 2.3, may dalawang pangkalahatang programa ang Sentro ng Wikang Filipino sa UP Diliman:
I. Filipino bilang wikang panturo
- Pagpapalaganap ng Filipino sa iba’t ibang kolehiyo at opisina ng UP.
- Pagbuo ng mga Lupon sa Wika sa iba’t ibang kolehiyo at opisina ng UP.
- Paghahanda at paglalathala ng mga aklat, sanggunian, at iba pang kasangkapan sa pagtuturo.
- Pagdaraos ng mga seminar at kumperensiya upang mapalakas ang tangkilik sa Filipino ng mga guro at mag-aaral.
- Pagtataguyod sa mga timpalak at gawad pangwika at pampanitikan.
- Pagtataguyod sa mga gawain at samahang pangwika sa labas ng unibersidad.
II. Filipino bilang wika ng saliksik
- Pagbuo ng UP Diksiyonaryong Filipino upang maging kasangkapan sa mga saliksik.
- Pag-aaral at pagbuo ng mga bokabularyo sa mga katutubong wika.
- Pagbuo ng glosaryong akademiko.
- Pagtitipon at pagpapayaman ng mga materyales at sanggunian sa saliksik pangwika.
- Pagsasalin ng mga batayang aklat sa iba’t ibang larang akademiko.
- Pagsusulong ng sining at agham ng pagsasalin.
- Sa pamamagitan ng SWF Grant sa Saliksik-Wika, pagtataguyod sa mga saliksik pangwika at pangkultura sa Filipino.