




Katalogo: Agham at Teknolohiya | Agham Panlipunan | Arte at Humanidades | Kasaysayan | Medisina at Kalusugan | Pangkalahatang Sanggunian | Wika | Buong katalogo
Kalipunan ng mga batayang pagsusuri sa panulaang Tagalog sa panahon ng Espanyol at sa bungad ng siglo 20 na humantong sa kodipikasyon at pormalisasyon ng tugma, sukat, at iba pang salik na katutubo sa pagtula sa Filipinas. Kabilang sa mga pagsusuri: bahagi ng mga Compedio del arte de la lengua tagala (San Agustin); Arte poetico tagalog (Bencuchillo); Arte metrica del tagalog (Rizal); at Peculiaridades de la poesia tagala (Santos).
P200.00
Isinusulong ang konsepto ng sining bilang isang konstruksiyon na pinapanday sa konteksto ng lipunang ginagalawan nito. Pinahahalagahan ang kakanyahan ng tao na damhin ang kaniyang daigdig, bigyan ito ng pakahulugan, at gumawa ng aksiyong makapagbabago sa kanyang kaligiran. Ang kritikal na pag-unawa sa sining bilang anyo at wika ay mahalagang ambag upang magagap ang produksiyon at pagtanggap ng sining sa lipunang patuloy na nagbabago at binabago. Umaasa ang libro na makapaghain ng isang diskursong pangkultura, sa layong makahikayat ng masusing pananaliksik sa sining at iba't ibang larangan.
P160.00
Makapangyarihan ang midyum ng radyo. Naaabot nito ang malaking bilang ng tao. Maaari itong magbigay ng impormasyon, mang-aliw, makapagturo o makaimpluwensiya. Dahil dito, maraming tao ang nahihikayat na magtrabaho sa mga estasyon ng radyo o kaya'y matutong maghanda ng mga materyal na panradyo. Ang librong ito ay naglalaman ng mga teknik sa pagsulat ng iba't ibang programang panradyo tulad ng balita, komentaryo, editoryal, komersiyal, drama, talakayan, panayam at iba pa. Mayroon ding mga halimbawa ng iskrip na maaaring gamitin bilang basehan sa pag-aaral ng pagsulat ng iskrip.
P200.00
Itinatampok sa libro ang samotsari at makukulay na karanasang nabuo sa pusod ng isip ng bata. Ipinaloob sa makabagong parabula at paradoha ang pagsasalikop ng dahas at paglaya, ng lungkot at pagtuklas ng pagbabanyuhay at pagmamahal.
P150.00
Makatutulong ang aklat na ito upang angkopan ang pangangailangan sa pangunahing batis sa pag-aaral at pagtuturo ng kasaysayang pangkultura ng Filipinas. Para sa mga Cebuano at Filipinong nakarinig o nakabasa tungkol kay Sotto, magbibigay ang librong ito ng kongkretong ebidensiya ng kaniyang ambag sa kilusang makabayan at magbibigay ng linaw sa ugnayan ng kultura at kasaysayan sa isang mahalagang rehiyon ng bansa.
P150.00
Isang salin sa Filipino ng sikat na obra ni Ernest Hemingway na The Old Man and the Sea, isang kuwentong nagtatampok sa lakas at dangal ng tao.
P150.00
Isa sa mahuhusay na akdang prosa ng siglo 19 at itinuturing na prototipo ng nobelang Filipino. Layunin nitong maging panuto sa asal pansarili at pangkapwa-tao, bukod sa maging babasahing may layuning pastoral. Magkaagapay sa edisyong ito ang binagong anyo ng akda (edisyong 1907) at binagong anyo sang-ayon sa ortograpiya ng modernong Filipino.
P200.00
Multilinguwal na koleksiyon ng labing-anim na kuwento mula sa Kanlurang Visayas. Isinalin sa Filipino ang mga akda mula sa Hiligaynon (walo), Kinaray-a (tatlo), at Akeanon (lima). Kasama sa aklat ang orihinal na teksto.
P250.00
Isang klasikong katha ng ika-19 daantaon. Sa isang banda, isa ito sa tinatawag na ""pamaraang oskurantista"" ng kolonyalismong Espanyol. Sinulat ayon kay Marcelo H. del Pilar, kaban sa mithiin ng mga Filipino na maging edukado. Sa kabilang banda, mohon ito sa orihinal na panitikang tuluyan at mababanaagan ng simula ng realismo sa pagkukuwento. Magkaagapay sa edisyong ito ang orihinal na teksto (1885) at binagong anyo sang-ayon sa ortograpiya ng modernong Filipino.
P200.00
Mahusay ka bang makinig? Sa lahat ng tatlong konteksto, napag-alaman na nagtataglay ng impormasyon ang mga kumuha ng pagsusulit bago sila mag-test subalit tila hindi nila taglay ang gayong impormasyon pagkakuha ng test (post-test) nang gamitin sa kaugnay na diskurso. Ang pangyayaring ito ay kailangan pang patunayan at suriin sa pamamagitan ng pag-aaral kung paano naipaloob ang impormasyon sa ekspiremental na stimulus.
Tatanggapin ba ninyo ang hamon na linawin ang kahulugan ng di-pakikinig sa inyong klase? Nagbibigay ang Husay sa Pakikinig ng mga panimulang kaalaman upang matulungan kayong mapahusay ang inyong pang-unawa sa mga pangunahing kasanayan para sa personal at panlipunang kaunlaran.
P200.00Katalogo: Agham at Teknolohiya | Agham Panlipunan | Arte at Humanidades | Kasaysayan | Medisina at Kalusugan | Pangkalahatang Sanggunian | Wika | Buong katalogo