Introduksiyon sa Organisasyon ng Computer at Low-level Programming

Kategorya: Pasad
  • Joel E. Macatangay at Leonila C. Umali-Macatangay
  • 91 p.; 18 x 25 cm; c1998 P175.00
  • ISBN 971-8781-82-x (bookpaper; softbound)
Binubuo ng tatlong malalaking bahagi—hardware, software, at peopleware—ang sistema ng computer. Hardware ang tawag sa pisikal na makina. Software naman ang program na pinapatakbo sa makina. Walang silbi ang makina kung wala ang mga program na bumubuo sa mga instruksiyong isasagawa nito. Peopleware ang tumutukoy sa mga taong gumagamit at nagpapatakbo ng hardware sa pamamagitan ng software. Sa aklat na ito, pagtutuunan ng pansin ang ugnayan at interaksiyon ng tatlong bahaging nabanggit— kung paano magagamit ang hardware ng peopleware sa pamamagitan ng mga direktang mekanismo ng low-level software.