Diyos ng Maliliit na Bagay

Kategorya: Bahandi
  • Ni Arundhati Roy
  • Salin ni Monico M. Atienza
  • P275.00 430 p. 13.5 x 17.5 cm; c2002
  • (bookpaper; softbound) ISBN 971-635-013-9
Kahanga-hanga si Arundhati Roy, kapuwa sa pagkatao’t pagkamanunulat at pagkanobelista at tahasang kapansin-pansin, at kahanga-hanga nga, sa kaniya ang kaniyang kakaibang kakayahan sa paggamit at paggagap ng wika—umaangkop, tumitiyak, nagbubuo, nagwawasak–sumasamba, tumatakas! Sa pagbasa’t paglirip nang may kaganapan sa kaniyang THE GOD OF SMALL THINGS, hindi maiwasang sabihing “(may) salita ang maliit at mangmang, di lamang sa DESIDERATA—sa totoo at lipunan man... (mas) madalas ay may puntirya... nakaangkla (ngang) kamalayan... lagi mang minumunti, minamangmang.” At sa ating buhay, mawiwika pa, “mundo’y nagagagap... na pinipino pa ng sa taong yakap... (at) sa taong agham ay di-matitinag... (tayo’y) umaalam... sa pakikitalad (upang dama’t isip tunay na tumalas... (tumingkad) ang nasa sulat at bigkas.”