Skip to main content
Unibersidad ng Pilipinas Diliman | Opisina ng Tsanselor

Angkan Ni Socrates

  • Author: 

    Malaya Ronas

  • Taon: 
    2018
  • Kategorya: 
    Aklat Ili (Bayan)
  • ISBN: 

    ISBN 971-8781-78-3

  • Specs: 
    150 p.; 18 x 25 cm; c1998
  • Price: 

    ₱200.00

Layunin ng aklat na talakayin ang mga kaisipan na humubog sa kanluraning pananaw hinggil sa lipunan, ekonomiya, at politika. Labing-walong piling pilosopo mula sa klasikong panahon ng mga Griyego at Romano hanggang sa kontemporanyong panahon ang napapaloob sa aklat. Limang tema ang nag-uugnay sa iba’t ibang panahon na saklaw ng aklat: (1) layunin ng lipunan, (2) kalikasan ng tao, (3) mga uri ng estado, (4) pagbabago ng lipunan at estado, at (5) mga pangunahing isyu ng ekonomiya.

Mabisang paraan ang ganitong paglalahad upang isalarawan
ang ebolusyon ng mga kasalukuyang teorya sa larangan ng
sosyolohiya, ekonomiks, at agham pampolitika. Higit na
mauunawaan ang mga kontemporanyong usaping teoretikal
sa agham panlipunan sa pamamagitan ng isang pananaw na
tumutukoy sa kanilang pinagmulan.