






Buwan ng Wika 2012: Paglulunsad at Pagkilala
Matagumpay na ipinagdiwang ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF) sa pamumuno ng direktor nito na si Dr. Rosario Torres-Yu ang huling araw ng selebrasyon ng Buwan ng Wika 2012 sa UP Diliman noong ika-31 ng Agosto sa Pulungang Recto, Bulwagang Rizal.
Sa unang bahagi ng selebrasyon ay inilunsad ng SWF ang mga bago nitong publikasyon at kinilala ang mga awtor nito.
Basahin ang buong artikulo.

Dating pangulo ng UP, pinarangalan ng SWF
Para sa kanyang kahanga-hangang ambag sa wikang Filipino, pinarangalan ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF) si Dr. Jose V. Abueva, dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, ng Gawad SWF noong ika-3 ng Agosto sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal.
Ang Gawad SWF ang kauna-unahang parangal na ipinagkakaloob ng SWF (sa pamumuno ni Dr. Rosario Torres-Yu) para sa mga natatanging guro, mananaliksik, manunulat, institusyon at tagapamuno na gumagamit at nagtataguyod sa Filipino sa UP. Ito ay itinuturing na pinakabuod ng higit sa 20 taon ng pagpapatupad ng Palisi sa Wika ng UP. Ito rin itong tampok na gawain sa Buwan ng Wika na ipinagdiriwang ngayong Agosto.
Basahin ang buong artikulo.
BUWAN NG WIKA 2012
Ipagdiriwang ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF) ang "Buwan ng Wika" sa darating na Agosto. Isang buwan ng parangal, panayam, paglulunsad, at gawad na gaganapin sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman, Lungsod Quezon. Dadaluhan ito ng mga Komite sa Wika ng iba't ibang Kolehiyo ng UP Diliman, mga Dekano at mga opisyal ng UP, at ilang piling panauhin. Bawat Biyernes ng bawat linggo-Agosto 3, 10, 17 at 31, ay magkakaroon ng kalahating araw na programa sa hapon, mula 1:00-5:00.
Tingnan ang detalye.
PORMULARYO NG SARBEY SA PAGGAMIT NG FILIPINO
Bilang ebalwasyon sa higit sa 20 taon ng pagpapatupad ng Patakarang Pangwika ng UP, ang Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman, sa Utos ng Opisina ng Tsanselor ay humihiling sa lahat ng kaguruan ng UP Diliman na sagutan ang "Pormularyo ng Sarbey sa Paggamit ng Filipino sa Pagtuturo" na inaasahang maisumite sa SWF bago o sa petsang Hulyo 30, 2012.
Basahin ang Memorandum.
Mag-download ng pormularyo.
DR. ROSARIO TORRES-YU, BAGONG DIREKTOR
Malugod na ipinababatid sa lahat na ang SWF ay mayroon nang bagong Direktor, si Dr. Rosario Torres-Yu. Nagkaroon ng maikling programa ng paglilipat ng tungkulin mula kay Dr. Jovy M. Peregrino (kanan) patungo kay Dr. Torres-Yu (gitna) na sinaksihan ni Tsanselor Caesar Saloma (kaliwa) noong Disyembre 15, 2011 sa opisina ng SWF.
Sumumpa naman sa tungkulin si Dr. Rosario Torres-Yu sa pamamatnubay ni Tsanselor Caesar A. Saloma noong Enero 31, 2012 sa Opisina ng Tsanselor.
Basahin sa UPDATE Online
PATAKARANG PANGWIKA NG UNIBERSIDAD (download)
Bilang paalala at gabay, maaari nang mai-download ang Palisi sa Wika ng Unibersidad ng Pilipinas na ipinatutupad mula pa noong 1989 hanggang sa kasalukuyan.
SERTIPIKO NG PAGLILINGKOD (download)
Nilagdaan ni Tsanselor Sergio S. Cao ang Memorandum Blg. SSC-09-038 kung saan nakasaad na mayroon nang dalawang bersiyon ng pormularyo ng Sertipiko ng Paglilingkod, isang Filipino at isang Ingles. Ang pagkakaroon ng bersiyon ng pormularyong Sertipiko ng Paglilingkod ay alinsunod sa pagpapatupad ng Patakarang Pangwika ng UP na inaprobahan ng Lupon ng mga Rehente noong Mayo 29, 1989 sa kanilang ika-1021 pulong at bilang pagsunod sa probisyong pangwika ng ating Saligang Batas Artikulo XIV seksiyon 7 na nagsasaad na gamitin ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon.
PANAWAGAN SA SWF GRANT SA SALIKSIK-WIKA
Ang Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman sa pamamagitan ng SWF Grant sa Saliksik-Wika ay tumatanggap ng mga panukalang saliksik sa wikang Filipino.
Basahin ang buong panawagan. (o mag-download)
Mag-download ng pamantayan.
Mga pormularyong nada-download
Tingnan ang mga kasalukuyang papel.
PANAWAGAN SA GAWAD TEKSBUK
Ang proyektong Aklatang Bayan ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman ay tumatanggap ng lahok para sa Gawad Teksbuk.
Mag-download ng panawagan.
Mag-download ng patnubay.
Mag-download ng pormularyo.
PANAWAGAN SA ARTIKULO
Tumatanggap ang Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman ng mga papel para ilathala sa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino.
Para sa mga interesadong magsumite ng artikulo, tumawag sa 924-4747 o 426-5838 o kaya ay mag-email sa swf.daluyan@gmail.com.
Mag-download ng panawagan at gabay.
Tingnan ang mga bagong isyu.
Tingnan ang mga nakaraang isyu.
Tingnan sa UP Diliman Journals Online.
DALUYAN 2011
Sa mundo ng akademya, napakalaki ng papel ng mga akda o artikulong nasa kategorya ng araling Filipino. Masasalamin sa uri ng ganitong aralin ang lalim ng kaalamang mapagdudukalan ng karunungang pakikinabangan ng bayan para sa higit na tama at angkop na pag-iisip, tamang giya ng pagpapasiya, at tamang kaalamang dapat palaganapin at ituro sa mamamayan.
Makapagtataglay ang anuman ng mga kahulugan matapos itong bigyan ng kahulugan ng tao. Ang pagsasaysay sa mga kahulugan ay iba pang usapin. May mga artikulong mababasa sa mga journal na punong-puno ng kaalaman, may iskolarli at siyentipiko ang pagkakabuo, at punong-puno ng mga kahulugan ngunit mapagiisipang muli ang tunguhin ng saysay nito.
Hindi sapat na mahalaga lamang ang anumang ipinahahayag o sinasabi ng artikulo sa mga journal kundi maging mitsa sana ito tungo sa pagbuo ng kaalamang hindi nahihirati lamang sa mga kahulugang wala namang saysay.
Ang sumusunod na mga akda ay lumikha ng kahulugan, sumuri, naghimay, nagdalumat, at nagsaysay sa usapin ng wika, edukasyon, pelikula, awit, at diskursong pang-espasyo. Sa mga akdang ito masasalamin ang talas ng isip ng mga iskolar na Filipinong kritikal na nagsaysay ng iba't ibang larang upang mas maging mayabong ang diskursong Filipino.


Kasalukuyang dinidevelop ang Bantay-Wika bilang isang proyekto ng Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman at UP - Digital Signal Processing Laboratory.
Puntahan ang pansamantalang website.
DALAWANG PUBLIKASYON SA TAONG 2012
Ang salitang "pilosopiya" ay madalas na nagpapahiwatig ng malalim at masalimuot na mga paksa na tila hindi maaaring maunawaan ng karaniwang indibidwal. Sa aklat na ito, ipinapakita ng mga may-akda na, salungat sa karaniwang pananaw, ito ay isang gawaing bukas kanino man na interesadong mag-isip at magpalawak ng kaalaman. Sadyang mahiwaga ang karaniwang mga paksa, ngunit di nangangahulugang hindi kayang matarok. Nag-aalok ang aklat na ito ng mga pagdulog na maaaring maging gabay sa pagtalakay at pagtuklas ng likas na kagandahan ng disiplina. Sa ganang ito, mapagtatanto na higit sa lahat, ang pilosopiya ay gawain. Ang pilosopiya ay mababanaag sa kapuwa Kanluran at Silangan, sa maraming anyo at pamamaraan. Ang halaga ng aklat na ito ay matatagpuan sa kakayahan nito na ipakita ang gawain ng pamimilosopiya mula sa maraming aspekto nito tulad ng epistemolohiya, etika, metapisika, at pilosopiyang sosyo-politikal, sa paraang maaabot ng mag-aaral ng kasaysayan ng pandaigdigang kaisipan.
Ang Agsursurotayo nga AgIlokano (Mag-aral Tayong Mag-Ilokano) ay aklat na idinisenyo para sa isang semestreng kurso sa FIL. 10.1 — Pagbasa at Pagsulat sa mga Wika ng Pilipinas para sa wikang Ilokano. Mapag-aralan ng mga estudyanteng Filipino sa aklat na ito ang mga batayang kasanayan sa pananalita, pakikinig, pagbasa, at pagsulat sa kolokyal na Ilokano at maihanda ang mga estudyante para sa kanilang pananaliksik at pag-aaral ng mga wika at panitikan ng Pilipinas sa susunod na taon nila sa kolehiyo.
Binubuo ang libro ng 15 aralin. Ang mga araling ay sumusunod sa estruktura ng wikang Ilokano. Magkasabay na itinuturo ang mga panghalip at mga pangngalan, sunod ang pang-uri, at ang panghuli ay pag-aaral ng mga pandiwa at mga pang-abay. Sa paraan na ang mga batayang kasanayan sa gramar sa bawat leksiyon ay paghahanda para sa sumusunod na leksiyon hanggang matapos ang buong semestre.


PROP. CARIDAD NATIVIDAD
Departamento ng Matematika, Kolehiyo ng Agham, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon
Pinakamahusay na Guro sa Filipino
Gawad Tsanselor (UP 2004)
Basahin ang write-up.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
![]() | ![]() | ![]() |
| Agham at Teknolohiya | Agham Panlipunan | Arte at Humanidades |
![]() | ![]() | ![]() |
| Kasaysayan | Medisina at Kalusugan | Pangkalahatang Sanggunian |
![]() | ||
| Wika |


Pambungad na Pananalita ni Dr. Lilian A. De Las Llagas
Isang napakabuluhan at napapanahong mensahe ang ibinigay ni Dr. De Las Llagas bilang pambungad na pananalita sa okasyon noong Agosto 31, 2012, na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pangunguna ng Sentro ng Wikang Filipino
Basahin ang buong pananalita.

Gamiting pormularyo ng HRDO at OUR isinalin sa Filipino
Isinumite ni (gitna) Dr. Jovy M. Peregrino kay Tsanselor Caesar A. Saloma ang kopya ng ulat tungkol sa Mga Gamiting Pormularyo sa Opisina sa Pagpapaunlad ng Yamang Tao (HRDO) at Opisina ng Rehistrador ng Unibersidad (OUR) noong ika-9 ng Setyembre sa Opisina ng Tsanselor. Kasama sa larawan sina (mula sa kaliwa) G. Odilon Badong at Bb. Maria Olivia S. Oliva, mga tagapag-ugnay ng pormularyo at kawani ng SWF, at si Bise-Tsanselor para sa Pananaliksik at Pagpapaunlad Dr. Benito M. Pacheco.
MGA NAGWAGI SA TALAANG GINTO 2012
Ipinagkaloob ang mga gantimpala sa idinaos na Araw ni Balagtas 2012.
Alamin ang detalye.

Bantay-Wika: towards a better understanding of the dynamics of Filipino culture and linguistic change
Isang maikling papel na binasa sa 9th Asian Language Resources Workshop na ginanap sa Chiangmai, Thailand noong 12-13 Nobyembre 2011.
Normal o Abnormal? Karanasan ng Isang Dayuhan sa Pilipinas
Jean-Christophe Gaillard, Departamento ng Heograpiya, Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman
Mga Unang Bayani ng Wikang Pambansa
Virgilio S. Almario
Pagharap sa Hamon ng Kasalukuyang Kurikulum ng DepEd at CHED: Implementasyon at Aplikasyon
SangFil Newsletter
Language and Learning
Talumpati ni Patricia B. Licuanan, Ph.D.
Pangulo, Miriam College
sa CEO Forum on English ng Philippine Business for Education (PBEd)
Asian Institute of Management noong January 24, 2007
Filipino Ang Wika ng Edukasyon at ng Kaunlaran ng Filipinas
Prop. Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining at Dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman
"English First" Policy Will Hurt Learning
First posted 01:33:48 (Mla time) January 22, 2007
Juan Miguel Luz, Philippine Daily Inquirer.